June 10, 2025

Home BALITA Politics

Chief PNP Torre III binutata si Mayor Baste: 'The first Chief PNP of his father is a one-star'

Chief PNP Torre III binutata si Mayor Baste: 'The first Chief PNP of his father is a one-star'
Photo Courtesy: Screenshot from RTVM (FB), via MB

Nagbigay ng tugon si bagong Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III sa pasaring sa kaniya ni Davao City Mayor Baste Duterte bilang bagong pinuno ng kapulisan.

Sa isang talumpati kasi ni Mayor Baste sa The Hague, Netherlands, sinabi niyang hindi umano nakabatay sa merit ang pagkakatalaga kay Torre bilang PNP Chief.

“You have a Chief PNP na tatlong ranggo ang tinalunan para maging Chief PNP, it's because this is not a merit-based promotion. Pabor-pabor based promotion ito,” saad ni Baste.

Ngunit nang humarap sa media si Torre nitong Miyerkules, Hunyo 4, sinupalpal niya ng maaanghang na salita ang mayor ng Davao.

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

Aniya, “Rewind-rewind lang ng konti sa termino ng tatay niya kung sino ang unang Chief PNP. Ano ranggo ng unang Chief PNP at anong ranggo ko bago ako naging Chief PNP? It goes back to him.”

“The first Chief PNP of his father is a one-star na naging automatic four-star [general]. Did he question that?” dugtong pa ni Torre.

Matatandaang si Senador Bato Dela Rosa ang unang Chief PNP na naitalaga sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

BASAHIN: Torre, nakatakda maging ikaapat na hepe sa ilalim ng PBBM admin