June 08, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga lugar sa Metro Manila na may paganap para sa Pride Month

ALAMIN: Mga lugar sa Metro Manila na may paganap para sa Pride Month
Photo courtesy: Pexels

Iba’t ibang makukulay na selebrasyon ang muling naghihintay para sa mga nagnanais na makiisa sa selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo sa iba’t parang parte ng Metro Manila.

Kung noong 2024 ay nagsabay ang dalawang inorganisang Pride Month Celebration sa Makati City at Quezon City, ngayong taon naman ay tila hindi mababakante ang kalendaryo ng buwan ng Hunyo para sa mga activities at events para sa paggunita at pakikiisa sa panawagan ng isang inklusibong lipunan para sa mga taong may piniling kasarian.

Hunyo 6-8 at Hunyo 13-15- Komiket Pride

Aarangkada na sa Biyernes, Hunyo 6 ang isang Queer arts event sa dalawang magkaibang venue sa Metro Manila. Ang Komiket Pride 2025 ay art exhibits na libre at bukas din sa publiko mula 10:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi. 

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

Gaganapin sa  Ayala Malls The 30th ang first leg ng nasabing event habang sa Ayala Malls! Market! Market! naman ito isasagawa sa 2nd leg.

Hunyo 7- QC Pride Run

Katuwang naman ang lokal na pamahalaan ng  Quezon City, isang makulay na 5km fun run naman ang kanilang inorganisa na may temang Run with Pride, Run for Pride.

Hunyo 7-10 Love in Every HUE in Araneta City 

Makulay na trade fair naman ang inihain ng Araneta City sa Quezon City ngayong Pride month na magkakaroon ng iba't ibang segment.

Sa Hunyo 7 hanggang 10 magtatagal ang Rainbow Trade Fair sa kahabaan ng Farmers Plaza.

Sa Hunyo 10 mula 11:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi magkakaroon ng Rainbow Talks para sa isang plenary discussion sa mga "queerpreneurs."

Hunyo 14- QUEERLAYAAN Art Market

Maaari namang makiisa sa ang lahat ng local artists at crafts enthusiasts sa Queerlayaan na gaganapin naman sa Bayanihan Center sa Pasig City. 

Hunyo 20-21- QueerCon 2025

Libreng event din ang handog ng QueerCon 2025 na gaganapin naman sa Trinoma mula Hunyo 20-21 kung saan bibida ang PalenQUEER merchant booths at iba't ibang performances para sa Pride Piging.

Hunyo 21- HERE COMES THE PRIDE sa Vice Comedy Club

Makulay na tawanan naman ang hatid ng HERE COMES THE PRIDE sa Vice Comedy Club kasama ang ilang iconic drug queens na sina Brigiding, Jayvhot G, Khianna, Precious Paula Nicole, Viñas Deluxe, Angel, Arizona Brandy, Bernie, Shewarma, at Russia Fox. 

Hunyo 25-27 Rainbow QC Pride Film Festival

Iba't ibang mga pelikula naman ang ibibida sa Queer film festival na gaganapin sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao tampok ang mga istoryang pumukaw at sumasalamin sa kalagayan ng LGBTQIA+ Community sa lipunan.

Hunyo 28-  Love in Every HUE in Araneta City

Nasa Quantum, Skyview naman ang puwesto ng LoveLaban 3 Pride Village.

Hunyo 28- Love Laban Pride Fest sa Diliman

Habang sa Hunyo 28 na nga isasagawa ang pinakamalaking Pride gathering sa buong bansa na tinatayang dadaluhan ng milyong pride communities. Ngayong taon sa University of the Philippines (UP) Diliman isasagawa ang aniya'y mas pinabongga at pinakavogue na maghapon at magdamag na pride celebration.

Hunyo29- Runrio Pride Run

Sa isang makulay na finish line naman magtatapos ang Pride celebration na tinatayang dadaluhan naman ng 800,000 queer at ally runners na gaganapin sa SM Mall of Asia Complex sa Hunyo 29.

Ilan lamang ito sa mga inorganisang selebrasyon upang ipagdiwang ang diwa ng panawagan para sa karapatan at ligtas na pagtingin sa lahat ng kasarian sa lipunan. Sa likod ng malalawak selebrasyon at pagtitipon, pagdating sa dulo ng bahaghari, iisa pa rin ang ninanais ng LGBTQIA+ community, ang pantay na pagtrato at pagtanggap, na walang hinihinging kondisyon sa sinuman.