Nanawagan si labor leader at dating senatorial aspirant Atty. Luke Espiritu sa mga manggagawa na bantayan ang galaw ng bicameral at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay sa karagdagang sahod.
Sa isang Facebook post ni Espiritu nitong Sabado, Hungo 7, sinabi niyang matagal na umanong pasado sa Senado ang wage increase bill.
“Matagal na pong pasado sa Senado ang wage increase bill. Dahil po yan sa sama-samang pagkilos ng mga labor organization,” saad ni Espiritu.
Dagdag pa niya, “Ang bantayan natin ay ang Bicam at si Marcos. Itulak na natin ang pagpirma nito para sa kapakinabangan ng mga manggagawa.”
Kaya naman nararapat lang umanong atupagin na ng Senado ang nakabinbing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
“Dahil importante rin ito nang mabawasan tayo ng mga criminal element sa ating lipunan. Walang dahilang iwasan ito kung wala namang kasalanan si Sara Duterte,” dugtong pa ng labor leader.
Matatandaang inihayag ni Espiritu ang pagtanggap niya sa inaprubahang ₱200 na dagdag-sahod ng Kamara para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa noong Enero.
MAKI-BALITA: Espiritu, tinatanggap ang panukalang dagdag-sahod ng Kongreso
Sa kasalukuyan, nakalusot na ito sa pinal na pagbasa ng Kamara noong Hunyo 4.
MAKI-BALITA: Kamara, inaprubahan na ang ₱200 na dagdag sahod