Bumuhos ang sentimyento ng netizens matapos ilabas ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ang listahan ng final duo.
Sa latest episode ng PBB noong Sabado, Hunyo 6, 2025, isa si Esnyr sa dalawang housemates na naiwang walang kaduo kasama ni Charlie Fleming dahil walang pumili sa kanilang dalawa bilang gawing duo.
Bunsod nito, si Esny at Charlie ang naging awtomatikong magka-final duo sa nasabing reality show.
Tila hindi naman nagustuhan ng netizens ang nangyari kay Esnyr dahil isa siya sa mga “fan favorite” sa loob ng bahay ni Kuya at kilalang isa sa mga nagdadala ng sigla at katatawanan sa kapwa niya housemates.
‘Ika ng netizens, “everyone’s friend but friend no one” daw ang nangyari kay Esnyr matapos siyang mapag-iwan.
“Palaging kasama sa kasiyahan pero hindi kayang piliin sa oras ng gipitan.”
“Grabe si Esnyr, hindi rin kayang piliin sa dulo.”
“Napakasakit sumampal ng realidad that in some way bakla can be your companion sa tawanan sa inuman, pero pagdating sa seryosohang pilian ‘di tayo ang pinipili.”
“Having a lot of people around doesn't always mean you're truly seen or chosen.”
“Makikitawa, halakhak, pero sa panahong mamimili na, olats.”“The clown for everyone, the light in every room… yet when it’s time to choose, no one chooses him.”
Matatandaang nawalan ng karapatang pumili si Esnyr ng kaniyang ka-final duo matapos siyang matalo sa hamon ni Kuya.
Samantala, nasa naturang latest episode naman pinangalanan ang pinal na listahan ng final duo na sina: Mika at Brent, Will at Ralph, Shuvee at Klarisse, Bianca at Dustin at River at AZ.