June 10, 2025

Home BALITA Politics

Bato, nag-alburoto sa mga pro-impeachment: 'Taumbayan is hindi lang kayo!'

Bato, nag-alburoto sa mga pro-impeachment: 'Taumbayan is hindi lang kayo!'
Photo Courtesy: Screenshot from Senate of the Philippines (YT)

Naglabas ng sentimyento si Senador Bato Dela Rosa sa mga nagtutulak na ituloy na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isinagawang plenary session nitong Lunes, Hunyo 9, sinabi ni Dela Rosa na maraming Pilipino umano ang hindi sang-ayon na litisin ang bise-presidente batay sa obserbasyon niya noong nakaraang kampanya.

“Kaya please, do not use term ‘taumbayan’ palagi because ‘taumbayan’ is hindi lang kayo. There are always two sides of the coin,” saad ni Dela Rosa.

Dagdag pa niya, “Wala bang value ‘yong mga taumbayan na nagsasabing ayaw namin ng impeachment? Gusto nila, ang iba-value ng Senado ay ‘yong taong nagsasabi na ‘forthwith-forthwith’ kuno ‘yong impeachment na ‘yan?”

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

Samantala, batay naman sa survey ng OCTA Research Tugon ng Masa (TNM) na inilabas noong Hunyo 9, 78% umano ng mga Pilipino ang pumapabor na harapin ng bise-presidente ang impeachment trial.

MAKI-BALITA: 78% ng mga Pilipino, pabor harapin ni VP Sara ang impeachment—Octa survey