June 12, 2025

Home BALITA

Sen. Padilla, aminadong mangangamoy Duterte kahit sunugin siya!

Sen. Padilla, aminadong mangangamoy Duterte kahit sunugin siya!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Kinumpirma ni Sen. Robin Padilla na may mga resolusyong niluluto ang mga Duterte allies sa Senado upang maibasura ang nakabinbing impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sa ambush interview ng media kay Padilla nitong Lunes, Hunyo 9, 2025, iginiit niyang iisang Duterte ally pa rin sila bagama’t magkakaiba raw ang mga resolusyong ginagawa nila laban sa naturang impeachment.

“Hindi kami nag-uusap-usap. May kaniya-kaniya kaming isip, may kaniya-kaniya kaming gawa, may kaniya-kaniya kaming staff,” aniya.

Ipinagmalaki rin niyang nananatili raw silang maka-Duterte sa Senado bagama’t magkakaiba ang maaring maging laman ng kanilang resolusyon.

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO

“Kami, Duterte kami. 'Di ba malinaw naman siguro 'yon? Kahit sunugin mo 'ko dito, mangangamoy Rodrigo Roa Duterte ako. Pero yung draft ko, walang kinalaman sa draft ni ganito o sa draft ni ganon. Akin yun sa sarili ko,” saad ni Padilla.

Matatandaang pumutok ang usapin ng mga Senate draft resolution matapos itong ihayag ni Sen. Imee Marcos na maraming reso na raw ang nagkalat sa Senado na nagtatangkang harangin ang impeachment ni VP Sara na inaasahang tuluyan ng gugulong sa Hunyo 11.

KAUGNAY NA BALITA:  'Meron o wala?' Mga senador, iba-iba tugon sa resolusyong babasura sa impeachment ni VP Sara

Kaugnay nito, umamin na rin Sen. Bato dela Rosa na isa sa mga resolusyong kumakalat sa kapwa niya senador ay nagmula raw sa kaniyang tanggapan na naglalaman ng kaniyang personal na sentimyento.

KAUGNAY NA BALITA:  'Made from Bato!' Reso para ibasura impeachment ni VP Sara, galing kay Sen. Bato